Sunday, March 2, 2014

hand out

Partido State University
COLLEGE OF EDUCATION
Goa,Camarines Sur



REHIYON 6 (KANLURANG KABISAYAAN)
By: Gemmalyn P.Dayawon

“Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat 
magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. 
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.
                                                                -http://www.katig.com/panitikan_03.html




LOKASYON AT TOPOGRAPIYA

            Ang Rehiyon VI ay matatagpuan sa kanluran ng bisayas.Ang rehiyong ito ay mayaman sa lambak, malawak na kapatagan at masaganang dagat.
            Ang Isla ng Panay ang ikaanim sa pinakamalalaking pulo sa Pilipinas. Ang Islang ito ay hugis triyanggulo. Nabibilang sa Islang ito ang mga lalawigan ng Antique,Aklan.Capiz at Iloilo.Maunlad at makapal ang populasyon ditto.
            Ang Guimaras ay may mababang lupain at ang interior ay umaabot lamang sa 500 talampakan ang elebasyon. Samantala,ang lalawigan ng Negros naman ay may makitid na kapatagang Kostal sa Kanlurang bahagi. Mabulkan at matataas na bundok naman sa katimugang bahagi at ditto makikita ang Bulkan ng Kanlaon.

KASAYSAYAN
             Ang Kanlurang Kabisayaan ay isa sa mga Rehiyon ng Pilipinas at itinalaga bilang Rehiyon VI. Ito ay nabuo sa pamamagitan ng Kautusang Pampangulo bilang isa bilang bahagi ng Integrated Reorganization Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos. 
Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon 6 noong Mayo 23, 2005 ayon sa Executive Order 429.Ang pagsasakompleto ng paglilipat ay inihayag noong Hunyo 2005 Ng Kagawaran Ng Interyor at ng Pamahalaang Lokal, subalit binatikos ng mga Palaweños dahil sa sinabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan sa residente ng lungsod ng Puerto Prinsesa at ang lahat ng mga bayang ito maliban sa isa ay nais manatili sa Rehiyon 4-B. dahil dito, nagkaroon ng Kautusang Administratibo bilang 129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan.
MGA LALAWIGAN
            Ang Rehiyon VI ay binubuo ng anim na Lalawigan,ito ay ang mga sumusunod:
*      Aklan                         
*      Antique
*      Capiz
*      Negros occidental
*      Guimaras
*      Iloilo

KLIMA
Ang klima sa rehiyong ito ay katamtaman. Mararanasan ang tag-init sa mga buwan ng Disyembre hanggang sa buwan ng Mayo at tag-ulan naman sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Sinasabing ang Rehiyong ito ay madalang daanan ng bagyo.



PAMBANSANG KAUNLARAN
            Ilan sa mga pinagkukunan ng ikabubuhay ng Rehiyon ay ang pangisdaan ng rehiyon. Dito madalas nangangalakal ng isda ang mga kalapit na rehiyon maging ang Kamaynilaan. Nililinang ang mga makukulay na pagdiriwang upangf maging daan sa pagkakakilanlan ng rehiyon.Ang mga pasyalan ditto ay malaki rin ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga turistang dumarayo dito.


LIKAS NA YAMAN
·         Tanso,karbon,phosphate,semento,apog,marmol at guano
·         Mayaman sa punungkahoy at di karaniwang hayop ang rehiyon VI.



INDUSTRIYA AT PRODUKTO

·         Negros occidental-ang pangunahin at pinakamalaking lalawiganna nagbibigay ng asukal sa buong bansa. Malawak ang taniman ng tubo,palay,mais,at niyog.
·         Iloilo-malalawak ang palayan at mayaman ang palaisdaan.
·         Capiz-nag-aani ng niyog at abaka,pastulan ng hayop ang paanan ng bundok.
·         Aklan-paghahabi ng telang pinya,jusi at sinamay.
·         Antique- kilala bilang pook pangisdaan.
·         Guimaras- kilala sa kanilang malalaki at matatamis na mangga.

MAKASAYSAYANG POOK AT MAGAGANDANG TANAWIN
·         Boracay at Dagat Tinagong sa Aklan
·         Sicogon sa Iloilo
·         Aliran Cave sa Buenavista
·         Suhat Cave sa Capiz
·         Siete Picados sa Guimaras
·         Kalantiyaw Shrine sa Batan Aklan- makikita ang orihinal na manuskrito ng Kodigo ni       Kalantiyaw.
·         Museo ng Iloilo- tanghalan na nagpapakilala sa kultura ng rehiyon VI.
·         Simbahan ng Miag-ao- makikita ang arkitektura ng estilong baroque.





MGA PAGDIRIWANG

·         Ati-atihan- sa Kalibo
·         Dinagyang- sa Iloilo             
·         Binayran- sa Antique
·         Halaran- sa Capiz
·         Maskara- sa Bacolod










MGA WIKA SA KANLURANG BISAYA
·         Hiligaynon- tumutukoy sa wika at kultura ng mga Ilonggo na sila namang naninirahan sa Iloilo, Guimaras, at Negros.
-ang katawagang ito ay nagpapahiwatig ng isang pormal at wikang pampanitikan.
·         Ilonggo- tumutukoy sa higit na impormal na gamit ng wika.
·         Kinaray-a- ang wikang wika sa Antique at iba pang liblib na lugar sa Panay.
·         Haraya- ang lumang pangalan ng Kinaray-a at tinaguriang Inang Wika.
·         Aklanon- wikang ginagamit sa Aklan.

PANITIKAN
May anim na anyo ng panitikan ang sinaunang Ilonggo, ito ay ang mga sumusunod:
Ø  Ambahan
Ø  Balak
Ø  Awit
Ø  Driges o haya
Ø  Sidy
Ø  Bical
  • *      AMBAHAN-ang pinakapayak na anyo ng talata.
  • *      BALAK-ang makatang diskusyon sa pagitan ng lalaki at babae.
  • *      SABI-karaniwang tawag sa tula at awit.
  • *      BINALAYBAY-ang tula sa wikang Hiligaynon.

§  Relacion de Las Islas Filipinas-naisulat noong 1604 ni Padre Pedro Chirino,ito ay nagsasaad ng pagkakaiba ng wikang Bisaya at wikang Haraya.
§  Hiliguena y Haraya de Las Isla de Panai-naisulat noong 1637 ni Alonso Mendrila ,ito ay nagpapakilala sa Hiligaynon,ang ikatlong wika at nagpakita ng pagkakaroon ng panitikan sa Panay noong unang bahagi ng pananakop ng Kastila.

EPIKO

"Hinilawod: Adventures of Humadapnon"
 
Inawit ni Hugan-an 
Ni-rekord at isinalin ni F. Landa Jocano 
2000 Quezon City: PUNLAD Research House Inc. 

          Ang Hinilawod ay literal na nangangahulugang "tales from the mouth of the Halawod River" (Jocano 2000: 3) ay nirekord 50 taon na ang nakalipas. Isang bahagi lamang ito sa narekord na epiko na sinasabing isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, "mga grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang Panay" (1). Dagdag pa ni Jocano, hindi lamang ito isang piyesang pampanitikan kundi ibahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga Sulod. Kapansin-pansin sa pagbabasa ng teksto ang mga bahaging nagtataglay ng mga sagrado at bahagi ng kanilang ritwal sa panggagamot. 
          Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo o sugidanon: (1) pangayaw o paglalakbay, (2) tarangban o yungib, (3) bihag, at (4) pagbawi o muling pagkabuhay. 
          Nakatutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita sa kaniyang panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang espirito. Sinabi ng dalawa na marapat nang hanapin ng datu ang kaniyang babaeng mapapangasawa, na kapantay niya ng uri. Ibig sabihin, anak-maharlika rin, may kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa panggagamot. Ang babae'y si Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw Donggon at Uwa Matan-ayon. 
          Humiling si Humadapnon ng permiso sa magulang na maglakbay para hanapin ang kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-anak, pinagsama-sama nila ang kanilang mga dugo mula sa daliri at nakalikha sila ng isang datung kapamilya na si Buyong Dumalapdap. Si Dumalapdap ang makakasama ni Humadapnon sa kaniyang adbentura, sakay ng ginintuang biday o barangay na pamana pa ng magulang sa binata. 
          Bilang preparasyon sa paglalakbay, dumaan muna si Buyong Dumalapdap sa pagsasanay. Anim ulit siyang sinibat ng kapatid at namatay. Muli naman siyang binibuhay hanggang sa sumapit ang ikapitong pagsibat at nakayanan ni Dumalapdap ang iwasan ang rumaragasang patalim na kasimbilis ng kidlat. 
          Sumulong na ang ginintuang biday ni Humadapnon. May ritwal muna bago ito isulong sa dagat: pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na paglalakbay. Pinaalalahanan ang binata ng kaniyang magulang na mag-ingat sa engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa itong bumubura sa konsepto ng pinagmulan. Hindi naman natinag si Humadapnon.                 Hanggang sa narating nila ito at kaniyang narinig ang paanyaya ng yuta-yutang binukot. Napakaganda ng mga tinig. At nahalina ang binata. Pinigil naman siya ni Dumalapdap at laging pinapaalala na marapat nilang puntahan. 
          Ang Tarangban ay isla ng mga binukot (well-kept maidens). Sa una, ayaw pagbigyan ni Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso, pinakabatang binukot na si Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang inaalok na nganga ng binukot. Doo'y siya'y nakapagtalik sa yuta-yutang mga dalaga. Itinuring ng binata na kalaro at laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pakikipagtalik niya ang mga binukot sa isla. 
           Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang yungib ng Tarangban. Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si Dumalapdap sa kapalaran ng nilang magkapatid. Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng tamang binibini at sa pagpapatnubay sa isa't isa sa tama. 
           Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa kaniyang magulang. Nangako naman ang magulang na gagawin ang makakaya. Hindi nagtagumpay ang mag-anak. Nangako sila ng pabuyang kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae). Hindi nagtagumpay ang kalalakihan, gayundin ang mga dalagang babaylan. Nanangis sa harap ng Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang kaniyang mga kaibigang espiritong sina Duwindi, Taghuy, at Hangin na pakiusapan ang binibining talaga naman nilang pakay sa paglalakbay. Mangyari, siya lamang ang maaaring makapagligtas sa nakulong na binata dahil magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-uudyok, at pananakot ng mga espirito, napapayag na rin si Nagmalitong Yawa. Una, sinabi nilang kapatid ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon ang binatang ang diwata ang pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki (buyong, datu). Ang hindi lamang siya maitago ay ang kaniyang matamis na amoy ng isang binukot. Pagdating nila sa Tarangban, naakit muli ang mga binukot. Binuksan nila ang Tarangban sa galak na makakitang muli ng makisig na binata. 
           Bilang nagbabalat-kayong lalaki, nagsa-mandirigma si Buyong Sunmasakay. Pinaslang niyang lahat ng mga binukot sa isla, maging ang pinakapinunong si Lubay Hanginon ay kaniyang sinaksak. Tumambad naman si Humadapnon na naengkanto. Wala na ito sa kaniyang sarili. Sa tulong ni Buyong Sunmasakay at ng mga kaibigang espirito, ibinalik nila ang buhay (tubig buhat sa ikapitong antas ng langit) at katinuan ng nabihag na bayani. Hindi naman nagpakilala si Nagmalitong Yawa bilang tagapagligtas ng lalaki.
           Sa pagbabasa ng epikong ito, muli kong napatunayan sa sarili na nagsisilbing panlipunang dokumento ito. Nagtataglay ito ng mga proseso sa panggagamot, proteksiyon sa malas, dasal sa mga espirito, at mga kaalamang-bayan tulad ng halamang-gamot at pamahiin ng kanilang pamayanan. Sisidlan din ang epiko ng kanilang mga salita. Nagmimistula itong diksiyonaryo at nagpapakita ng yaman ng kanilang bokabularyo at imahinasyon. Halimbawa, may iba't ibang termino para sa katulong, datu, kalasag, biday. May enumerasyon din sila ng mga diwata, at ang family tree ng mga pangunahing tauhan sa epiko, na inuulit-ulit. May tiyak na ngalan ang mga kagamitan tulad ng agong, baul, at sibat, at ang kanilang mga dalong-dalong (spirit friends). Katangian din ng epikong ito ang paglalarawan ng kasuotan ng mandirigma, ang pagsasalaysay ng proseso ng ritwal-sayaw, at ang mga paghahanda para sa paglalakbay at pakikidigma. 
          Tulad ng iba pang panitikang-bayan sa anyong prosa, nasa naratibo ng pagkamalay o coming-of-age ang teksto. Ipinapakita rito ang pagkagulang ng isang bayani (Humadapnon) sa paghahanap ng mapapangasawa at ang adbentura sa bagong yugto ng buhay. Malinaw rin ang moral sa epiko: makinig sa payo ng magulang, huwag lilihis ng landas, at huwag magpapaakit sa tukso dahil ito ang magiging sanhi ng kabiguan.

 MARAGTAS
(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)
            Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni 
Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang 
pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa 
kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang 
datu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan 
ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya 
ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan. 
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at 
pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba 
pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog. 
           Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang 
mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng 
kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at 
pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang 
babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay 
ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan 
upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na 
malapit sa pinagsilangan. 
            Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang 
espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain 
sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na 
mahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May 
ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nang 
may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay 
ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. 
            Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyang 
lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala ay 
pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay. 
            Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating 
ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga 
katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung 
datu ay sina: 
1. Datu Puti 
2. Datu Sumakwel 
3. Datu Bangkaya 
4. Datu Paiburong 
5. Datu Paduhinogan 
6. Datu Domongsol 
7. Datu Lubay 
8. Datu Dumangsil 
9. Datu Domalogalog 
10. Datu Balensuela 
           Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay, 
subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu 
Marikudo, sila'y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan 
ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang 
pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloob 
ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga 
Ita. 
          Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo 
ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot 
ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan. 
          Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, ang 
laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang 
doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan 
ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka't ayon sa kanya ay kaya na 
niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa 
pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman 
sa Luzon. 
           Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay 
pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili 
na isang alipin o kaya'y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay 
magagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa 
Bundok ng Madyas. 
           Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki, 
sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan 
na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng 
mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang 
nakatago. 
           Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan, 
pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at 
marurunong na anak. 
Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak, 
binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka't isang paraan daw 
ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay 
ay inilalagay na sa kaban na may iba't ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang 
mayaman, isang katulong ang sa kanya'y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. 
Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay 
inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman 
ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa. 
           Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na 
dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa 
kanya ng kapighatian at kalungkutan. 
           Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel 
na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na 
iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay 
Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang 
asawa ay may gusto kay Gurung-gurung. 
            Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at 
tahanan. Kaya't upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahat 
ng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamang 
pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang 
utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni 
Gurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na 
bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni 
Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon. 
Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin. 
Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago'y siya ang pumatay 
kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinagluto 
niya si Kapinangan. At sinabing siya'y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si 
Kapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati rati'y kanyang ginagawa. 
Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng 
dagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kaya't dinala na lamang niya si 
Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan. 
            Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siya'y 
sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan. 
Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niya 
nalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahang 
pangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na 
niya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang 
pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon 
at Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, 
parang ayaw na niyang makipagsapalaran. 
            Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto 
niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka't 
sila'y pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhay 
nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di 
nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang 
asawa.

·         Haraya-katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang-asal at ng mga salaysay na panghalimbawa sa mga nasabing tuntunin.
·         Lagda-katipunan ng mga salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng mabuting panunungkulan sa pamahalaan. Kasama sa” lagda “ ang” Code of Kalantiaw.”

TULA
·         Ang mga kiatutubo sa Panay ay mayroon ding Masay na tinutula sa kanilang sayaw na ati-atihan.

MGA KILALANG TAO
·         Melchor F. Cichon - isang makatang Aklanon na tubong Lezo,Aklan. Kilala siya hindi lamang sa kanyang husay bilang makata kundi maging sa kanyang pagpupunyaging itaguyod ang panulaang Aklanon.
-Noong 1995 ay tinanggap niya ang isang writing grant para sa larangan ng panulaang Aklanon mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Noong 2001,tinanggap niya ang Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga manunulat sa Pilipinas.
·         Conrado Saquian Norada - isinilang sa Iloilo noong Mayo 19,1921. Siya ay isang intelihadong opisyal ng ikaanim na distrito ng military sa panahon ng World War II  at naging gobernador sa Iloilo noong 1969 hanggang 1986. Naging president Nasyonal ng Sumakwelan ng Ilonggo Organization. Noong 1990,ang UMPIL,ay gumawad sa kanya bilang Pambansang Alagad ni Balagtas para sa Ilonggo fiction.
·         Mariano Perfecto - ang unang sumulat ng Pasyon sa Hiligaynon noong 1884. Dahil ditto nabahiran ng Kristyanismo ang panitikang Hiligaynon.
·         Eriberto Gumban – kinikilalang ama ng panitikang Bisaya.
·         Magdalena Jalandoni – ang nag-uso ng tulang may malayang taludturan.
·         Vicente Cristobal – sumulat ng unang sarswela na may pamagat na Kapitan noong 1903.
·         Jose M. Lay – ay napatangi sa tula at maikling kwento.
·         Angel Mangahum – sumulat ng unang nobela na pinamagatang Benjamin noong 1907. Siya’y tinagurian na batikang mandudula at nobelista.
·         Vicente Sotto – ang may pinakamatunog na pangalan. Siya ay natanyag sa sinulat niyang kauna-unahang operang Bisaya “Mactong” .Sumulat din siya ng marami sa kastila at isang manlalabang peryodista sa WARAY-WARAY.
·         Norberto Rumualdez – nagging mahistrado ng Korte Suprema ang nagging pinakamaningning na pangalan. Siya ay sumulat ng maraming dula,sanaysay na sosyo-pulitiko at hinggil sa pilipinolohiya ng Pilipino.Waray-waray at Kastila ang ginamit niya.
·         Pinakababasahing Nobelista:
§  Magdalena Jalandoni
§  Ramon Musones
§  Conrad


SANGGUNIAN:
*      http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_buod_ng_epikong_hinilawod

*      http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_epikong_Maragtas
      Salamin Ng wika